Sunday, July 29, 2007

Ano Ba Ang Bilog Part 1

Ang mundo ay bilog.

Ang piso ay bilog.

Ang gulong ng isang jeepney ay bilog.

Ang pinggan sa kusina ay bilog.

Ang ulo ni Juan ay bilog.

..... At marami pang bilog.

Parte na ng buhay natin ang bagay na bilog. Anupa't ang mundo natin ay di iinog, di susulong, di uunlad kung wala ang ilan sa mga nabanggit kong bilog.

Ano pa ba ang alam mong bilog? Maaring ang alam mo ay ang mga salita ng mga pulitiko o ng gobyerno na ang alam ay bilugin ang utak nating mga Pilipino. Paulit-ulit parang bilog na walang katapusan sa mga pangako sa ating mga madaling bilugin ang paniniwala ngunit wala namang katuparan.

---

Gusto kong malaman mo na ako ay isa ring bilog. Isang bahagi ng Mundo na bilog. Di ako nag-iisa. Marami kaming bilog at libu-libong bilog na patuloy na lumalakad, tumatayo, lumalaban, umiiyak, nanabik sa mga yakap ng mahal sa buhay na matagal na nawalay at umaasa sa katuparan ng kakarampot na pangarap na di makita sa naghihingalo nating bayan.

KAMI ang tinaguriang BILOG ng Bansang Hapon.

No comments: