Wednesday, August 1, 2007

May Pinoy Sari-sari Store Sa Japan, Salamat Naman

Ligo o 555 Sardinas na manghang, Chicharong malutong, Lechong Baboy, ChocNut ilan lang sa mga bagay na inaasam-asam mo.

Kung tutuusin nasasarapan ako sa Japanese Food. Pupunta lang ako sa Seiyo o Daie ay marami ng pagkaing masasarap. Pero minsan iba pa rin ang pagkaing Pinoy hahanap-hanapin mo. Iyong mga simpleng lasa na kinakain mo kasama ang pamilya mo. Para bang kasalo mo na rin sila.

By the way, I am based at Saitama Prefecture. Lagi kong inaabangan ang Sunday. Bakit kamo? Makikita ko na naman ang marami nating kababayan sa Akabane para pumunta sa church. Ito rin ang araw na namimili ako ng mga pagkain Pinoy sa paborito kong Sari-sari Store.

At ang di mawawala sa listahan ko, ang recorded programs ng mga palabas sa Pilipinas. Laban ni Pacquiao, Wowowee, Eat Bulaga, TV Patrol, mga drama, pati Korean Novelang may dub ng Tagalog. Sus! Wala kasing TFC sa apartment ko.

Mas marami pa ata akong nabiling VHS tapes kesa sa mga pagkain. Hahaha. Nakakamiss kasi. Nasa harap kayo ng TV sa Pilipinas habang kumakain. Tapos magtatalo pa si Kuya at Ate lipat-lipat ng channel.

Isa sa mga paborito kong panoorin ang Wowowee.

Ito ang isa sa mga nakakatawang Video ng Wowowee.