Wednesday, August 1, 2007

May Pinoy Sari-sari Store Sa Japan, Salamat Naman

Ligo o 555 Sardinas na manghang, Chicharong malutong, Lechong Baboy, ChocNut ilan lang sa mga bagay na inaasam-asam mo.

Kung tutuusin nasasarapan ako sa Japanese Food. Pupunta lang ako sa Seiyo o Daie ay marami ng pagkaing masasarap. Pero minsan iba pa rin ang pagkaing Pinoy hahanap-hanapin mo. Iyong mga simpleng lasa na kinakain mo kasama ang pamilya mo. Para bang kasalo mo na rin sila.

By the way, I am based at Saitama Prefecture. Lagi kong inaabangan ang Sunday. Bakit kamo? Makikita ko na naman ang marami nating kababayan sa Akabane para pumunta sa church. Ito rin ang araw na namimili ako ng mga pagkain Pinoy sa paborito kong Sari-sari Store.

At ang di mawawala sa listahan ko, ang recorded programs ng mga palabas sa Pilipinas. Laban ni Pacquiao, Wowowee, Eat Bulaga, TV Patrol, mga drama, pati Korean Novelang may dub ng Tagalog. Sus! Wala kasing TFC sa apartment ko.

Mas marami pa ata akong nabiling VHS tapes kesa sa mga pagkain. Hahaha. Nakakamiss kasi. Nasa harap kayo ng TV sa Pilipinas habang kumakain. Tapos magtatalo pa si Kuya at Ate lipat-lipat ng channel.

Isa sa mga paborito kong panoorin ang Wowowee.

Ito ang isa sa mga nakakatawang Video ng Wowowee.





Monday, July 30, 2007

Tokyo Disney Would Complete Your Japan Trip


Something to brag about when you go to Japan is your trip to Tokyo Disneyland. 'pag di ka raw nakarating ng Tokyo Disneyland, ay di raw kumpleto ang trip mo sa Japan.

Accompanied by my two other sisters, a brother-in-law, and a niece we went to Tokyo Disneyland. By the way, all of them are bilogs.

Mixed emotions. Excitement at medyo tense. Big news kasi noon ang hulihan ng mga bilog anywhere. Mga raids sa clubs. Mga raids sa mga kaisha (Japanese term for company/workplace). Minsan kahit daw sa labas ng eki (train station), ay may mga police na nanghuhuli ng mga bilog.

Just imagine, kasama ko ang family ko pamamasyal tapos bigla pala sila mahuhuli. Hahaha.

......

Well, our trip to Tokyo Disneyland is one hell of experience. Something you won't forget. Something you should tell with your friends back in the Philippines.

The castle is amazing. Pose dito, pose doon. Nakadalawang rides ako sa roller coaster. Lunch ng masarap na curry rice. My whole day is really full of fun.

Kapag pumunta ka rin daw ng Tokyo Disney, never ever miss the Small World. Yeah! Andun na lahat ng representative dolls ng lahat ng countries sa buong mundo with matching music pa. I never missed the Filipino Dolls.

My excitement was not just because I am in wonderful place but because I am with my family whom I have not seen for a long time. Matagal na kaya silang bilog sa Japan at matagal mong di nakita... Matagal mong di nayakap. Hahaha. Emote na ata ako.

Naalala Mo Pa Ba Ang Hangin Sa Manila?


Naaala ko pa, ang simoy ng hangin sa Manila. Isang mainit na tanghali noon ng ihatid ako ng aking pamilya sa Ninoy Aquino International Airport. Sa isip ko ay mararating ko na ang Japan, makakapag-tour, makararating sa Tokyo Disneyland, makikita ang majestic Mt. Fuji at ang ganda ng Tokyo, ang bullet train na naririnig ko lang na sobrang bilis daw.

Pero di rin maaalis sa isip ko noon, na ang pinaka-reason kung bakit ako pupunta ng Japan ay dahil kailangan kong kumita ng lapad (Yen) kahit na sa maigsing panahon lamang.

Tangan-tangan (hawak-hawak) ko ang ang aking passport na may 3-month tourist visa, sumakay ako ng eroplano papuntang Japan. Limang oras ata byahe ko. Di ko na napansin. Malamig kasi sa loob ng eroplano. Kumportable. Masarap ang pagkain. Inalok pa nga ako ng mabait na stewardess kung gusto ko raw ng wine.

.......

Sa wakas narating ko na ang Japan. Medyo mahaba ang byahe pero di naman ako napagod. Nakita kong muli ang kapatid kong babae na naghihintay sa aking pagdating. Ang kapatid ko ay matagal ng naninirahan sa Japan. Dahil nakapag-asawa sya ng isang Hapon, mayron na syang Permanent Residency Visa. Beso-beso, kumustahan.

At byahe na naman papunta sa kanyang bahay.

Sunday, July 29, 2007

Ano Ba Ang Bilog Part 2

TNT for Tago ng Tago, O.S. for Overstay, Visa-ya for Visa-wala. Ilan lang sa mga terms o salitang nagpapakahulugan sa isang Filipinong nasa ibang bansa na lumagpas na sa itinakda o legal na paglagi sa bansang kanyang pinuntahan.

Pero dito sa Japan, pinaka-popular na salita para sa isang Overstaying Filipino ay ang "Bilog."

San ba nanggaling ang salitang ito at ito ang ginawang synonym para sa mga overstaying Filipino sa Japan?

Sabi ng kakilala kong si Jinky na nagtatrabaho sa isang club, kasi ikot ng ikot daw ang mga Pinoy na Overstay katatago sa mga immigration officials na maaring manghuli sa kanila.

Ang isa sa pinaka-popular na reason ay dahil daw ang salitang Overstay ay nagsisimula sa letter "O," at dahil ito ay isang bilog, kung kaya ang mga overstaying Filipinos ay tinawag na ganito.

Overstaying Filipino, "bilog," o TNT, kahit ano pa man ang itawag mo. Kami ang mga Pinoy na handang sumabak sa hirap makamit lang ang mga mumunting pangarap ang makaahon sa hirap ng buhay.

Please Read Related Post:

Ano Ba Ang Bilog Part 1

Ano Ba Ang Bilog Part 1

Ang mundo ay bilog.

Ang piso ay bilog.

Ang gulong ng isang jeepney ay bilog.

Ang pinggan sa kusina ay bilog.

Ang ulo ni Juan ay bilog.

..... At marami pang bilog.

Parte na ng buhay natin ang bagay na bilog. Anupa't ang mundo natin ay di iinog, di susulong, di uunlad kung wala ang ilan sa mga nabanggit kong bilog.

Ano pa ba ang alam mong bilog? Maaring ang alam mo ay ang mga salita ng mga pulitiko o ng gobyerno na ang alam ay bilugin ang utak nating mga Pilipino. Paulit-ulit parang bilog na walang katapusan sa mga pangako sa ating mga madaling bilugin ang paniniwala ngunit wala namang katuparan.

---

Gusto kong malaman mo na ako ay isa ring bilog. Isang bahagi ng Mundo na bilog. Di ako nag-iisa. Marami kaming bilog at libu-libong bilog na patuloy na lumalakad, tumatayo, lumalaban, umiiyak, nanabik sa mga yakap ng mahal sa buhay na matagal na nawalay at umaasa sa katuparan ng kakarampot na pangarap na di makita sa naghihingalo nating bayan.

KAMI ang tinaguriang BILOG ng Bansang Hapon.